top of page
Search
BULGAR

4 arestado sa nasabat na P1.2-B halaga ng taklobo

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 18, 2021



Arestado ang apat na kalalakihan matapos masabat ng awtoridad ang tinatayang aabot sa 200 toneladang fossilized giant clam shells o “taklobo” sa Roxas, Palawan noong Biyernes.


Tinatayang aabot sa halagang P1.2 billion ang mga naturang taklobo na nakumpiska sa isinagawang joint law enforcement operations ng Coast Guard Intelligence Group Palawan, Coast Guard District Palawan, PCSD, PNP – Maritime Group Palawan, AFP Intelligence Operatives, at Bantay Dagat Roxas.


Ayon sa PCG, ang apat na suspek na inaresto sa Sitio Green Island, Barangay Tumarbong, Roxas, Palawan na kinilalang sina Rey Cuyos, 54; Rodolfo Rabesa, 48; Julius Molejoa, 47; at Erwin Miagao, 40, ay haharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act, at Republic Act No. 8850 o ang Philippine Fisheries Code.


Saad pa ng PCG, “They were brought to the Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) for inquest proceedings and filing of appropriate cases.”


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page