4-anyos na ang panganay… COLEEN, BUNTIS SA 2ND BABY NILA NI BILLY
- BULGAR
- 7 days ago
- 2 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 15, 2025
Photo: Coleen Garcia Crawford - Instagram
Nagdiriwang naman ang pamilya ni Billy Crawford dahil may baby bump na rin ang asawa niyang si Coleen Garcia.
Pangalawang anak na nila ni Billy ang ipinagbubuntis ngayon ni Coleen at dahil 4 years old na ang kanilang panganay, nasa tamang age spacing na itong matatawag.
Siguro naman ay walang mangangahas magtanong tungkol sa ‘size’ ni Billy dahil sa tikas ng pagkalalaki nito, kitang-kita naman ang pagiging big man nito. Hahaha!
Pero teka lang, pareho lang namang may lahing foreigner sina Billy at Baron, ah?
Si Billy ay half-American, habang half-German naman si Baron. Hahaha!
Sa darating na finals ng Miss Universe-Philippines ngayong May 2, sina Xian Lim at Gabbi Garcia ang napiling maging hosts.
Medyo matagal na nating hindi nababalitaan si Xian after ng ilang pagkakataon na may mga idinirek siyang movies sa Viva Films.
Isa naman talaga si Xian sa magagaling mag-host ng beauty pageant at sanay na sanay na siya sa mga ganitong kontes.
Si Gabbi naman ay talagang nabuksan ang oportunidad bilang host though mas marami rin ang nagsasabing keri rin niyang maging beauty queen.
May mga netizens lang na at this early ay iginu-groom o isini-ship si Xian na muling mag-host ng Miss Universe ngayong si Thai Nawat Itsaragrisil na ang balitang nakabili ng majority shares ng Miss Universe organization.
Matatandaang naging paboritong host ng Thai billionaire si Xian after nitong makita ang husay ng aktor sa pagho-host.
Napikon sa netizen, pinatulan…
BARON, TINAWAG NA DYUTAY, MAGDEDEMANDA
“I will sue you,” ganting sagot ni Baron Geisler sa isang netizen na nagkomento sa post ng aktor sa X (dating Twitter) hinggil sa pagbubuntis ng partner niya.
Ang naturang post kasi ay may pagkuwestiyon sa ‘size’ ng ari ni Baron.
“Paano nakabuntis si Baron, eh, jutz (maliit ang ari) ‘yan?” ang eksaktong mensahe ng netizen na sinagot nga ni Baron ng bantang pagdedemanda.
Marami ang nagsasabi na baka nagbibiro lang ang aktor dahil kung tutuusin ay hindi na naman ito dapat patulan pa, lalo’t sa pagkakaroon ng mga anak ni Baron ay hindi na ito isyu.
Pero may mga nagsasabi namang baka nga about time na patulan na ang mga ganitong klase ng komento sa socmed dahil nasasanay at tila ginagawa nang natural ang mga bagay na nabanggit.
Well…
DAHIL sa tinatamong kasikatan ngayon ni Dr. Kenneth Hizon, ang Grade 2 secret crush ni Kathryn Bernardo, marami ang nagsasabing very soon ay hindi imposibleng makita din ito sa TV o mga socmed (social media) platform.
May mga nababalitaan na nga kaming mga sponsors at ilang shows na nag-iisip na bigyan siya ng portion sa ilang TV programs to advance his advocacy on health and wellness.
At dahil isa nga itong legit na physician at may appeal, guwapo at magaling ding magsalita, hindi nga imposibleng mabigyan ito ng break.
“Open naman po ako sa mga opportunities,” sey pa nito sa isang interview.
Well, kung nang dahil kay Kath ay magkakaroon ng makabuluhang karir si Dok Kenneth, eh, di bongga ‘yun!
Good luck, Dok Kenneth.
Comments