top of page

Paghahatian ng asawa at 2 anak… P4.7 BILYON, NAIWANG YAMAN NI BARBIE HSU

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 6
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 6, 2025



Photo: Barbie Hsu - Instagram


Hinati na umano ang nakakalulang halaga ng assets ng yumaong Taiwanese actress na si Barbie Hsu sa kanyang asawa at dalawang anak.


Divided naman daw equally ang mga yamang naiwan ni Barbie Hsu na nagkakahalaga ng 600,000,000 yuan o katumbas ng P4.7 bilyon. 


Kaya lang, dahil pareho pang minor ang kanyang dalawang anak na edad 8 at 10, ang share ng mga ito ay pamamahalaan ng ex-husband ni Barbie na si Wang Xiaofei na totoong ama ng mga bata.


 

PROUD si Khalil Ramos, ang male lead actor ng musical stage theater na Liwanag Sa Dilim (LSD), na kantahin ang mga songs ni Rico Blanco sa teatro.  


Ang LSD ay pitong taon daw na pinaghandaan at magpi-feature ng mga kanta ng OPM icon na si Rico Blanco, which Khalil admitted he loves kahit pa very challenging daw para sa kanya na i-perform ang mga ito onstage.


“Definitely Himala was the most challenging. I think Himala is one of his greatest songs. I think primarily because Bamboo was the lead singer of Rivermaya before pa, so they wrote the songs in his range. It’s just so freaking high (laughs). Pero kaya naman with enough practice, kakayanin naman. It’s really that because there are a lot of vowels that are really big. It’s tiring but it’s very rewarding to be able to sing that song,” pag-amin ng boyfriend ni Gabbi Garcia.  


Bumisita sa rehearsal ng play si Blanco. Nanghinayang si Khalil dahil wala siya nu’ng dumating ang OPM icon singer.  


“I wasn’t here the day Rico Blanco came to rehearsals. But I have met Rico a couple of times before. I remember the first time was during Daniel Padilla’s concert where we were both guests. So I was able to chat with him backstage. 


“The song that we actually sang then was Liwanag Sa Dilim. That was the very first time I met Rico. Since then, I haven’t talked to him about the project yet. But he’s always been such an inspiration to a lot of people including me.”


Pinuri ni Khalil ang mga kanta ni Rico na “genius” habang “incredible” naman ang paglalarawan niya sa singer.  


“Grabe, sobrang galing n’yang magsulat ng kanta. So galing talaga. So I’m excited for him to see it,” wika ng actor.  


Ayon kay Khalil, ang 2025 umano ang lucky year niya. Kasali siya sa CinePanalo Film Festival’s entry na Olsen’s Day na idinirek ni JP Habac.


“The other one is a Netflix Original film coming out in the second or third quarter of the year, I’m not sure when exactly. It’s directed by Direk Marla Ancheta. She was the director of Dollhouse. I am co-starring with Sue Ramirez. The production name is Lucid Dreams. That’s what I have going on aside from this,” pagbabahagi pa niya.


 

MAY kani-kanyang manok na ang mga celebrities na ipinu-push para makapasok sa Top 12 senators ngayong May elections. 


Ang talent manager at batikang manunulat-cum vlogger na si Ogie Diaz, bilib kay Bam Aquino na dati na ring senador kaya wala siyang agam-agam na sabihin sa kanyang YouTube (YT) channel na Showbiz Update (SU) na may napili na siyang isusulat na senador sa kanyang balota.


Aniya, “Heto, hindi ako magbabanggit ng twelve. Basta ‘yung ilan sa kanila, ‘yung iba kasi understood na. Si Bam Aquino, si Kiko Pangilinan, si Heidi Mendoza, ang dating COA commissioner.” 


Sumang-ayon naman sa kanyang mga napili ang mga co-hosts na sina Mama Loi Villarama at Tita Jegs. 


Isa lang si Ogie sa mga celebrities na open sa pag-eendorso ng pinaniniwalaan niyang kandidato, habang ang ibang artista, ingat na ingat para hindi ma-bash at maapektuhan ang kanilang career.  


Paalala pa ni Ogie Diaz, maging wise umano sa pagboto. Alaming mabuti kung ang napili ba nilang mga mambabatas ay may kakayahang tumulong sa kapwa at makagawa ng batas na kapaki-pakinabang sa ating bansa. 


Siguraduhin daw na ang kanilang iboboto ay hindi mga trapo at nangungurakot ng kaban ng bayan. 


Tanong tuloy ng mga netizens, “Hindi ba niya isasama sa kanyang balota ang mga kapwa niya nasa industriya?”

1 hozzászólás


Z Hum
Z Hum
márc. 25.

It's heartbreaking to see Barbie Hsu's untimely passing, but it's reassuring that her wealth will be fairly distributed to protect her children's future. The arrangement of having their father manage their inheritance shows thoughtful estate planning, ensuring the kids' financial security during their minority years.

TikTok Download

Kedvelés

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page