ni Lolet Abania | March 12, 2021
Umakyat na sa kabuuang bilang na 611,618 cases ang naitala ng Department of Health (DOH) matapos na magkaroon ng 4,578 bagong kaso ng COVID-19 ngayong Biyernes, pinakamataas sa loob ng anim na buwan.
Ayon sa DOH, sa kabuuang bilang ng mga infected, may 52,012 active cases ng coronavirus sa bansa. Nasa 92.2 percent ay mild, 4.1 percent ay asymptomatic, 1.5 percent naman ay severe, habang 1.5 percent ay kritikal ang kondisyon.
Gayunman, ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit ay 546,912 cases matapos na 272 pasyente ang nakarekober sa COVID-19.
Umabot naman sa 12,694 ang namatay makaraang maitala ng ahensiya ang 87 na mga bagong nasawi dahil sa virus.
Comments