ni Gerard Arce @Sports | May 26, 2024
Mga laro ngayong araw (Linggo)
(Filoil EcoOil Arena)
10 a.m.- Individual Awarding Ceremonies
Game 2: Best-of-Three Finals
11:30 a.m.- EAC vs UPHSD (men)
2 p.m.- Letran vs CSB (women)
Paliliyabin ng College of Saint Benilde Lady Blazers ang pagtala sa kasaysayan sa kanilang ika-40 sunod na panalo tungo sa ikatlong diretsong korona laban sa manlalabang Letran Lady Knights, habang planong itala ng University of Perpetual Help System Dalta spikers ang kanilang ika-apat na sunod na titulo kontra sa Emilio Aguinaldo College Generals, ngayong Linggo ng hapon sa kapwa Game 2 ng best-of-three Finals ng 99th NCAA women’s and men’s volleyball tournament sa FilOil EcoOil Center sa San Juan City.
Madaling tinapos ng Lady Blazers ang Muralla-based lady spikers sa pamamagitan ng straight set panalo na nasubukan lamang sa unang set, subalit madaling dinomina ang ikalawa at ikatlong set noong isang linggo tungo sa 25-21, 25-15, 25-14 panalo.
Nakatakdang tapusin ng Lady Blazers ang laro sa alas-2:00 ng hapon, habang puntiryang tuldukan ng Perpetual ang laban kontra EAC sa unang laro sa alas-11:30 ng umaga.
Nagtulong-tulong sina Michele Gamit, Gayle Pascual at Zamantha Nolasco upang paslangin ang pag-asa ng Lady Knights sa pagtala ng mga scoring na 14, 14 at 12 points, ayon sa pagkakasunod sa Game 1 upang makuha ang lopsided na 1-0 kalamangan at lumapit muli sa panibagong pangwawalis sa serye, maging sa kabuuang liga, na tatlong sunod na season ng ginagawa ng Lady Blazers.
“May isang game pa, trabaho pa rin,” wika ni CSB head coach Jerry Yee na handang tapusin ng maaga ang serye tungo sa ika-apat na kabuuang titulo ng Taft-based squad. “Bahala kayo kung sabihin nyo boring, mismatch or whatever, but we have to work and secure this.”
Comments