ni Lolet Abania | November 10, 2021
Tinanggap ng bansa ang 3 milyon pang doses ng Sinovac vaccines na procured ng gobyerno ngayong Miyerkules ng umaga.
Lumapag ang karagdagang supply ng COVID-19 vaccines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, pasado alas-11:00 ng umaga via Philippine Airlines flight PR361.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang naturang suplay ng bakuna ay procured ng gobyerno sa pamamagitan ng Asian Development Bank.
Sa ngayon, nasa 30.1 milyong Pinoy na sa bansa ang fully vaccinated na kontra-COVID-19, habang mahigit sa 35.6 milyong indibidwal ang nakatanggap ng kanilang first dose.
Nakatakda naman ang ‘National Vaccine Day’ program ng pamahalaan sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre, na layong makapagbakuna ng hanggang 15 milyong indibidwal.
Bukod sa mga bakunang Sinovac at AstraZeneca, ginagamit din sa bansa ang mga COVID-19 vaccines na Moderna, Pfizer, Gamaleya Institute, Johnson & Johnson, at Sinopharm.
Comments