ni Thea Janica Teh | September 3, 2020
Apatnapu’t tatlong katao ang pinaghahanap ng coast guard ng Japan kabilang ang 39
Filipino, 2 New Zealander, Australian at Singaporean matapos makatanggap ng distress call habang bumabagyo sa East China Sea.
Ang alarm signal ay natanggap sa 185 kilometers west ng Amami Oshima island ng Japan.
Ito ay mula sa Gulf Livestock 1 ship na magdadala sana ng 5,800 baka sa Chinese port ng Tangshan mula sa Napier ng New Zealand.
Ayon sa coast guard, sila ay sinabihan ng defense ministry na may natagpuang isang tao na nakasuot ng life jacket sa lugar kung saan nawala ang barko.
Hindi pa malinaw kung sino ang nasagip dahil agad itong kinuha gamit ang patrol plane at dinala sa defense ministry.
Bukod pa rito, nakakita rin ng rubber boat sa pinangyarihan ng insidente ngunit, hindi pa alam ng coast guard kung ito ay mula sa nawawalang barko.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng search-and-rescue operation ng 4 na coast guard vessel at ilang eroplano.
Komentar