top of page
Search
BULGAR

39-anyos, makakapag-asawa kung ‘di magpapaka-busy

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | June 18, 2024



Dear Maestro,


Bakit kaya wala pa ring pag-ibig na kumakatok sa aking puso? 39-anyos na ako, pero ‘di pa rin ako nagkaka-boyfriend. 


Naisipan kong sumangguni sa inyo para itanong kung may pag-asa pa ba akong magka-boyfriend, natatakot kasi ako na baka tumanda kong dalaga habambuhay.  


Maestro sa tingin mo ba may pag-asa pa akong magka-boyfriend at makapag-asawa?


Kung sakaling oo, kailan ko naman ito mararanasan? Saan at sinong lalaki rin ang nakatakda kong makasama habambuhay? 


Ang birthday ko ay April 5, 1985. 


Umaasa,

Sam ng Bagong Barrio, Pandi, Bulacan

 


 

Dear Sam,


Bihira sa mga taong may birth date na 5 ang hindi nakakapag-asawa, lalo na nagkataon pang isa ka ring Aries. Ngunit, kung minsan sadyang “late in life” na sila nakakapag-asawa, lalo na kung sila ay super busy o masyadong abala sa kanilang career, trabaho o propesyon. 


Dahil five (5) ang birth date mo na may ruling planet na Mercury, ito ay nangangahulugan na sa mabilis at walang pag-aalinlangan na pagkilos, magtatagumpay at liligaya ka, hindi lamang sa pag-aasawa at sa pag-ibig, kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.


Kaya ang kailangan mong gawin ngayon ay magmadali sa bawat plano at pagkilos na nais mong ipatupad. Napakahalaga na hindi ka dapat magdalawang isip, o mag-alinlangan sa iyong mga ginagawa. Basta buo ang iyong loob at alam mong ikakabuti at ikakaganda ng iyong kapalaran, gawin mo agad nang mabilis at ora mismo.


Dagdag pa rito, sa iyong pagkilos at pagpapatupad ng iyong mga ninanais, gamitin mong kulay ang pula para maakit mo ang isang mainit at matamis na pag-ibig. 


Kung medyo naiirita ka naman sa pula, dahil sobrang strong at tingkad ng nasabing kulay, puwede mo ring ipalit sa pula ang pink, violet, at lilac.

Bukod sa pula, pink at lavender, ang kulay na metallic blue, silver at iba pang kulay ng metal ay maaari mo ring gamitin upang mas madali mong maakit ang suwerte at magandang kapalaran, hindi lang sa pag-ibig at sa pag-aasawa, kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.


Mas nakakabuti rin kung magsusuot ka ng singsing na may pahiyas o bato na kulay pula na ipapalamuti mo sa silver na singsing. Ang nasabing talisman ang magbibigay sa iyo ng bagong sigla at lakas ng loob upang mabuhay ang iyong libido hanggang sa tuluyan ka na magka-boyfriend at makapag-asawa.


Sa pagpili ng lalaking mamahalin at papakasalan, isaalang-alang mo silang isinilang sa zodiac sign na Sagittarius, Gemini, Leo at Aries, ganundin silang mga lalaking isinilang sa buwan ng Mayo, higit lalo kung ang nasabing lalaki ay may birth date na 5, 14, 23, 8, 17, 26, 9, 18, 27, 6, 15, at 24.


Habang ayon sa iyong Love Calendar, kapag sinunod mo ang simpleng rekomendasyon na inilahad sa itaas, walang duda, tiyak ang magaganap sa susunod na taon, sa edad mong 40 pataas, mahuhulog mula sa langit ang isang lalaking may zodiac sign na Sagittarius na magiging boyfriend at mapapangasawa mo hanggang sa makabuo kayo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page