ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 23, 2021
Pinagmulta ng Quezon City court ang 38 miyembro ng grupong Kadamay ng halagang P200 kada tao matapos hatulang guilty sa kasong trespassing sa isang private property noong taong 2017.
Ayon kay Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 43 Judge Don Ace Mariano Alagar, noong April 2, 2017, sapilitan at walang paalam na pinasok ng mga miyembro ng Kadamay ang isang property sa Apollo Street, Barangay Tandang Sora siyam na buwan matapos i-demolish ng Quezon City government ang kanilang mga bahay noong 2016.
Maaaring makulong nang 30 araw o pagmultahin ang mga sangkot sa kasong paglabag sa Article 281 of the Revised Penal Code ngunit pinili ng korte ang huli.
Ayon pa sa ruling ng korte noong February 22, "The system of criminal law followed in the Philippines, true to the ways of constitutionalism, has always leaned toward the milder form of responsibility, whether as to the nature of the offense or the penalty to be incurred by the wrongdoer.”
Comments