top of page
Search

38.8M SSS member, dapat rumesbak sa dagdag-butaw, ibasura sa eleksyon mga manok ni PBBM sa pagka-senador

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 3, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAGDAG-PAHIRAP ANG DAGDAG-BUTAW SA SSS KAYA’T DAPAT IBASURA NG 38.8M SSS MEMBER ANG MGA KANDIDATO NI PBBM SA PAGKA-SENADOR -- Tutol man ay walang magagawa ang mga Social Security System (SSS) member sa dagdag-pahirap na 15% monthly contribution nila sa ahensya dahil ito ay aprubado ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM).


‘Ika nga, hindi naman magpapairal ng dagdag-butaw ang management ng SSS kung hindi ito aprubado ng Presidente.


Base sa data ng SSS, ang employed members nito ay nasa 30.5 million, ang voluntary members ay 4.6 million, ang self-employed members ay 2.5 million, at ang mga miyembrong overseas Filipino workers (OFWs) ay 1.2 million. Ganyan karami ang tatamaan at magdurusa sa dagdag na 15% monthly butaw sa SSS.


Kung nais ng 38.8M SSS members na makaresbak kay PBBM sa inaprub niyang ito na dagdag-butaw sa ahensya, isa lang ang dapat nilang gawin at ito ay magkaisang ibasura sa eleksyon ang mga manok ng Marcos administration sa senatorial election at kapag ginawa nila iyan, siguradong isa man sa mga kandidato ng Presidente sa pagka-senador ay walang mananalo, boom!


XXX


DAPAT SUPORTAHAN AT IPANALO SINA SEN. BONG GO, SEN. DELA ROSA AT SEN. IMEE DAHIL SILANG TATLO LANG ANG HINDI LUMAGDA SA PHILHEALTH ZERO SUBSIDY, AT IBASURA ANG MGA MANOK NI PBBM SA ELEKSYON -- Sa mga re-electionist senators, tanging sina Sen. Bong Go, Sen. Ronald Dela Rosa at Sen. Imee Marcos ang hindi lumagda sa zero subsidy sa PhilHealth.


Ibig sabihin niyan ay may mga reelectionist senator ang lumagda o pumabor sa zero subsidy sa PhilHealth.


Kaya’t panawagan natin sa mamamayan, iboto at ipanalo ang tatlong reelectionist na mga senador na ito na totoong pro-health care at ibasura ang mga kandidato sa pagka-senador ni PBBM, lalo na ‘yung mga reelectionist senator na lumagda para sa zero subsidy ng PhilHealth, period!


XXX


KUNG PARA SA HEALTHCARE NG MAMAMAYAN ANG PAG-UUSAPAN, TALO PA NI SEN. BONG GO SI PBBM -- Sabi ni PBBM at mga kaalyado niyang senador, na kaya raw nila inaprub ang zero subsidy sa PhilHealth ay dahil sobra-sobra raw ang pondo ng ahensyang ito ng pamahalaan.


Kung totoong sobra-sobra ang pondo, bakit hindi magawa ng pamahalaan na maging libre na ang pagpapagamot ng mga pasyente sa mga pribadong hospital?


Sa totoo lang, kung para sa healthcare ng mamamayan ang pag-uusapan, walang binatbat si PBBM kay Sen. Bong Go, kasi sa Malasakit Center ng senador ay libre nang magpagamot sa mga public hospital, kumpara sa Presidente na imbes pangalagaan ang kalusugan ng taumbayan, ginawang zero budget pa ang PhilHealth, tsk!


XXX


DAHIL VINETO O NI-REJECT NI PBBM ANG MGA BUDGET SA MGA FLOOD CONTROL PROJECT, ASAHAN NANG PAGSAPIT NG TAG-ULAN MAKAKARANAS NA NAMAN ANG MGA MAMAMAYAN NG LAGPAS-TAO AT LAGPAS-BAHAY NA BAHA -- Kabilang pala sa mga vineto o ni-reject ni PBBM sa 2025 national budget ay ‘yung mga budget para sa mga flood control project sa iba’t ibang lugar sa bansa.


Pambihira naman, imbes na ‘yan ang iaprub at dapat na dagdagan pa ng pondo kasi nga kapag nag-uulan ay ang daming mga lugar ang binabaha, tapos mga flood control project pa ang vineto.


Dahil diyan ay asahan nang pagsapit ng tag-ulan, makakaranas na naman ang ating mga kababayan ng mga lagpas-tao at lagpas-bahay na baha, nakupo!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page