ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 20, 2021
Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang 36 foreign nationals sa Pasay City noong Lunes nang hapon sa isinagawang raid sa illegal online gaming company.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nagsagawa ng imbestigasyon ang ahensiya matapos makatanggap ng ulat ang intelligence division na may mga nagtatrabaho umanong foreigners na walang appropriate permits sa Double Dragon Tower 3, Pasay City.
Pahayag ni Morente, “We coordinated with PAGCOR and verified that this company is unlicensed and has no authority to operate.”
Ayon kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr., nagsasagawa ng illegal live studio gambling ang kumpanya kung saan ang karamihan sa mga operators at management nito ay mga Koreano.
Saad pa ni Manahan, “Apart from the live studio, they were also conducting illegal and clandestine online gaming operations.”
Tatlumpu’t anim sa mga banyaga ang nasa kustodiya na ng awtoridad dahil sa pagtatrabaho nang walang working visa at dokumento.
Saad pa ni Manahan, “We initially rounded up 40 individuals, but found 4 of them to be sufficiently documented, being permanent residents in the country.
“However, the other 36 were unable to present their passports and visas, and were caught in the act of working illegally.”
Dadalhin umano sa BI’s Warden Facility sa Bicutan, Taguig ang mga inaresto pagkatapos lumabas ang resulta ng kanilang RT-PCR test.
Panawagan din ni Morente sa mga banyaga, “We call on all foreigners to legalize your stay.
“Do not take advantage of the pandemic, because despite the challenges, our work never stops, and we will continue to arrest, deport, and blacklist any alien who dare disobey our laws.”
Comments