top of page
Search

357 inmates, pinalaya na mula sa iba’t ibang kulungan – DOJ

BULGAR

ni Lolet Abania | October 26, 2022


May kabuuang 357 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ngayong Miyerkules mula sa iba’t ibang correctional facilities, habang ipinagdiriwang ang 28th National Correctional Consciousness Week sa bansa.


Batay sa datos ng Bureau of Corrections (BuCor), makikita na may kabuuang 102 PDLs ang pinalaya mula sa New Bilibid Prison (NBP). Labinlima sa kanila ang released on parole, habang ang 87 ay nakatapos na ng kanilang sentensiya.


Nasa 136 inmates naman ang pinalaya mula sa Davao Prison and Penal Farm. Sa nasabing bilang, 71 ang released on parole, habang 65 ang nakakumpleto ng kanilang sentensiya.


Sa isang ambush interview, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na ang mga nakalayang PDLs ay hindi nakabilang sa mga indibidwal na hiniling ng DOJ para sa executive clemency.


Ayon sa kalihim, bagaman 450 inmates ang planong i-release, hindi ito nangyari dahil sa resulta ng kakulangan ng clearance.


“That’s why we want to digitize everything. Huli na tayo sa deadline. Sabi ko nga deadline is always yesterday. But this is a continuing effort. Every month, gagawin natin ‘to. Hangga’t talagang we are on schedule for everything,” pahayag ni Remulla.


Nagbigay naman si Remulla ng direktiba sa mga prison officials na hindi na kailangan ng mga PDLs na makibahagi sa ceremony ng pagpapalaya.


“We will just announce it. Meron ho tayong pinalaya, especially kasi kailangan nalalaman kung sino ang nagbigay ng pardon tsaka parole para alam din ng taong bayan,” saad ng opisyal.


“We will not delay anything. We want everything to happen as it happens,” dagdag pa ni Remulla.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page