ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 26, 2020
Siniguro ng vaccine czar na si Carlito Galvez, Jr. sa publiko na hindi mapupulitika ang distribusyon ng COVID-19 vaccine.
Aniya, "We will ensure na hindi po magiging pulitika ito dahil we want to save lives at saka 'yung ating economy. 'Yun po ang pinaka-primary focus ng vaccine natin, na manumbalik po ang ating normalcy sa ating pamumuhay at saka maka-recover nang husto ang ating economy.
"So, hindi po natin gagamitin ito kung saan man sa pulitika kasi I think that's immoral."
Ayon kay Galvez, 35 million Pinoy ang priority na mabigyan ng COVID-19 vaccines kabilang na ang mga healthcare workers at mga frontliners, pati ang mga empleyado ng gobyerno at ang mga residente ng mga lugar na labis na naapektuhan ng pandemya.
Inaasahan din umano na masisimulan ang distribusyon ng COVID-19 vaccines sa second quarter ng 2021.
Comments