top of page
Search
  • BULGAR

35-anyos na… BEA, INGGIT MUCH SA MGA BFF NA MAY MGA ANAK NA

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | December 6, 2022




Sa edad na 35, tanggap naman na ni Bea Alonzo na mahihirapan siyang magbuntis kung saka-sakaling magkaroon na nga ng bunga ang pagmamahalan nila ng BF niyang si Dominic Roque 'coz feeling daw ng Kapuso actress, she's old na.


Nasa bucket list na raw ni Bea ang magpakasal next year pero hindi pa nga nagpo-propose ang BF niyang si Dominic.


Pero sa mga interviews ni Bea, kahit 'di niya aminin, obyus na inggit much na siya sa mga kaibigang artista tulad nina Angelica Panganiban, Anne Curtis, atbp. na nag-settle down na at may kani-kanya na ngang dyunakis.


'Niwey, kahit daw she is hounded by the fear that getting pregnant may be difficult for her ay may naiisip naman siya kung paano masosolusyunan ang kanyang fear, na 'yun nga, baka mahirapan na siyang magbuntis.


Kaya naman, meron daw siyang two options kung sak-sakali.


Una, okey lang daw sa kanya ang maging surrogate momshie. Of course, kering-keri naman niya ang procedure na 'yun dahil rich siya with farm in Zambales at bahay sa Madrid, 'no!


Pangalawa, she also doesn’t mind resorting to IVF tulad ng ilang celebrities.


Pero pinaka-okay pa rin daw kung ipahihintulot ng nasa Itaas na maranasan niya ang pagbubuntis.


At maganda nga naman kung may sarili silang mga anak ng dyowa niyang si Dominic Roque, 'noh! Which is true, ha!


Marami naman sa mga kaibigan at mga tagahanga niya ang nagsasabi sa kanya na at the age of 36 ay puwedeng-puwede pa siyang magbuntis.


Na very true naman. Si yours truly nga, may saying na... "It's not yet late to fall in love at the age of 65, 'noh!"


Eh, teka lang pala, paano pa ang gagawing comeback movie ng tambalang Bea at John Lloyd Cruz kung gusto nang magka-baby ni Bea next year?


At ano na rin ang mangyayari sa contract niya sa GMA-7 kapag nag-asawa na siya?


'Yun na! Insert smiley, ☺!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page