ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 17, 2024
Magde-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng 34,000 na police officers sa mga mataong lugar para tiyakin ang seguridad ng publiko sa pagdaraos ng Holy Week.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na pananatilihin ng pulisya ang kanilang presensya sa mga simbahan, mga tourist spots, at mga pangunahing kalsada, kabilang ang mga terminal ng bus, paliparan, at pantalan. Maglalagay din ng mga help desks ng pulisya sa mga lugar na ito.
Magsisimula ang Holy Week o Semana Santa ngayong taon sa susunod na linggo, Marso 24, sa Palm Sunday. Magtatagal ito hanggang Marso 30, Black Saturday, at susundan ng Easter Sunday, kung kailan ipinagdiriwang ng mga Katolikong mananampalataya ang muling pagkabuhay ni Hesus.
Comentarios