top of page
Search
BULGAR

34 evacuees na infected ng COVID-19 sa Marikina, mino-monitor

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 20, 2020




Nagsagawa ng rapid COVID-19 testing sa evacuation centers para sa mga evacuees sa Marikina City. Ayon kay Mayor Marcelino Teodoro, "Nag-rapid test kami sa iba't ibang evacuation centers.


Sa ngayon, mayroon kaming hinihintay na mga resulta ng PCR then [naging] reactive sila. Una nating sinukat 'yung antibody. Ibig sabihin, tiningnan natin kung reactive sila, kung may infection.


"Mayroon tayong nakitang 34 sa iba't ibang evacuation centers na may infection sila at sumailalim sila kahapon din sa PCR testing, hinihintay natin 'yung resulta.” Noong Huwebes, nagpositibo sa COVID-19 testing ang 68-anyos na evacuee at naka-isolate na.


Samantala, sumasailalim din sa monitoring ang mga residente ng Marikina upang maiwasan ang pagkakaroon ng iba pang sakit. Ipinag-utos na rin ni Teodoro ang pagbili ng mga gamot katulad ng doxycycline capsules bilang paghahanda sa leptospirosis.


Aniya, "Hindi lang COVID, may mga kaso tayo ng cholera, tetanus... marami eh. Ako'y nagpabili ng gamot para sa mga kababayan natin. "May mga doxycyclin tayo na ipinapamigay sa mga health centers, sa mga barangay, sa mga samahan ng komunidad.


Kailangang makainom tayo nito.” Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring isinasagawa ang mga clearing operations dahil sa baha na idinulot ng Bagyong Ulysses. Aniya,


"Napakahirap ng kalagayan namin, 'yung hinahakot naming basura 980,000 cubic meters [na] debris. 'Yung street na hinahakutan namin ay 2,452 na kalsada, sabay-sabay na 'yun... 450 kilometers ang haba nito, both major and minor streets.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page