ni Lolet Abania | December 19, 2021
Nasa kabuuang 336 overseas Filipino workers (OFWs) ang dumating sa Pilipinas mula sa Kuwait ngayong Linggo, ayon sa Department of Labor and Employment.
Sa isang post sa Facebook, sinabi ng DOLE na alas-10:30 ng umaga dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang mga nasabing OFWs.
“Ngayon po ang unang araw ng ating Pamasko at Bagong Taong salubong sa mga nanunumbalik na mga OFW. Kayo po ang kauna-unahan nating sasalubungin,” ani Overseas Workers Welfare administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac.
Nakatanggap naman ang mga OFWs ng mga pasalubong (souvenir items) at cash gifts na mula sa DOLE at OWWA.
Ang mass repatriation flight na ito ng mga OFWs mula sa Kuwait ay bahagi ng “Pamaskong Handog sa OFW” program ng DOLE at ng OWWA.
Comments