ni Thea Janica Teh | October 21, 2020
Tinatayang nasa 300 residente ng Aurora province ang inilikas ngayong Miyerkules dahil sa patuloy na pag-ulan na bunsod ng bagyong Pepito, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal, 335 residente ang inilikas at 253 dito ay nasa magkakahiwalay na 13 evacuation centers na sa probinsiya.
Samantala, wala namang naiulat na namatay, nasaktan o nasira dahil sa bagyo. Nag-landfall na nitong Martes nang gabi ang bagyong Pepito sa San Ildefonso Peninsula sa Casiguran, Aurora.
Bukod pa rito, binaha rin ang 20 barangay sa Pampanga dahil sa Bagyong Pepito kabilang ang Masantol at Macabebe.
Inaasahan naman na makalalabas na ng bansa ang Bagyong Pepito bukas, Oktubre 22.
Comments