top of page
Search

32 yrs. sa showbiz… MON, MAY 20 ACTING AWARDS NA PERO ‘DI PA RIN DAW YUMAYAMAN

BULGAR

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Feb. 15, 2025



Mon Confiado sa Lilim - FB

Photo: Mon Confiado sa Lilim - FB


Isa si Mon Confiado sa cast ng latest film ng Viva Entertainment na Lilim sa direction ni Mikhail Red.


Bago nag-umpisa ang grand mediacom ay naka-one-on-one interview itey ni yours truly na tipong Q&A portion and here it goes....


Q: “Ilang taon ka nang nagwo-work sa ating showbiz world?”


A: “Thirty-two years na po. Nakapagbida naman po ako sa ilang pelikula na rin. Ako po ay nakagawa na ng more than 300 local films at more or less, mga 30 international films. Ilan po ru’n ay ako ang lead actor. 


“Meron po akong ginawa sa Hollywood. Meron din po akong 20 acting awards at mga 30 nominations. Isa po sa mga successful films na nagawa ko ay Heneral Luna at Goyo where I played the first President of the Philippines as Emilio Aguinaldo. At may gagawin din kaming pelikula about Manuel Quezon.”


Q: “Eh, di mayaman ka na ngayon?”


Natawa siya bago sumagot at sa facial expression ay makikita mo na napaka-low profile or mapagkumbaba niya.


A: ‘Yun lang po ang problema. Hanggang ngayon, ‘di pa rin ako mayaman.”


Sa Lilim, gaganap siyang imbestigador sa kaso ng karakter ni Heaven Peralejo at sa pagpasok nila sa kumbento, du’n na siya madadamay sa mga kababalaghang mangyayari.  


Q: “Ano ang mga naranasan mo sa paggawa ng mga thriller films?”


A: “May mga eksena akong nagawa na ipinasok ako sa kabaong. Sabi nila, bago raw ‘yung kabaong. Pero para kasing ataul for rent ‘yun. ‘Yun bang kini-cremate na siyempre, may amoy-bangkay. So, iba talaga ang feeling kapag gumawa ka ng thriller movie dahil every time na inilalagay ako sa ataul ay nilalagnat ako. At ang gagawin ko ay magdadasal ako habang nilalagnat ako... nagdarasal ako nang taimtim. Nawawala naman ‘yung lagnat ko kinabukasan.”


Q: “Ano ang masasabi mo na tipong proud na proud sa ‘yo ang anak mong si Princess (na katabi niya habang ongoing ang aming interview) kay Ynez Veneracion?”


A: “Naku, ‘yang anak kong ‘yan ay isa sa mga inspirasyon ko talaga sa aking pag-aartista. At mula pa noon ay talagang very, very close kami. Hiwalay na kami ni Ynez, matagal na. Around 10 years na.”


Kaya pala naging mabuting ama itong si Mon Confiado sa anak nila ni Ynez ay dahil namana niya sa kanyang ama na dati ring artista na si Angel Confiado.


And he even added, “Very thankful ako sa father ko kasi sa kanya ko natutunan ang pakikisama. More than the talent, kasi minsan, nangingibabaw din kung paano ka makisama.


“‘Yung professionalism sa industriyang ito, I guess, isa ‘yun sa mga dahilan kung bakit nauulit ako sa mga direktor ko, sa mga producer.


“Importante na ang attitude mo, positive, kesa magaling ka lang. Dapat matuto ka ring makisama.


“Very thankful ako na part ako ng Lilim,” pagtatapos ni Mon sa aming Q&A portion sa grand mediacon ng movie.


Well, sana, may natutunan ang ibang artista sa mga naging pahayag na ito ni Mon Confiado kung bakit siya tumagal sa ating showbiz industry. Boom, ganernnn !


 

EXCITED na si Primetime King Coco Martin sa pagsasama-sama ng mga sikat na artista at beteranong mga pangalan sa industriya sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na magbubukas ng bagong yugto para sa ikatlong taon ng serye.


Sa Tatak BQ: The FPJ's Batang Quiapo 2nd Anniversary Special, ikinuwento ni Coco kung gaano siya kasaya sa oportunidad na ito. 


Kamakailan nga lang ay inanunsiyo ang bagong cast members tulad nina Andrea Brillantes, Jake Cuenca, Angel Aquino, Albert Martinez, Chanda Romero, Celia Rodriguez, at marami pang iba.


“Overwhelming para sa ‘kin. Kasi imagine n’yo na mapasama lahat kami and mga baguhang artista, tapos makasama namin mga veteran actors na mga icons na sa industry.


Napakasarap kasi hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng ganitong klaseng pagkakataon,” saad ni Coco Martin.


Hmmmnnn.... may point siya, in pernes, ha!



0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page