ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 3, 2020
Patay ang 32 katao at 20 bahay naman ang sinunog ng mga gunmen sa western Ethiopia noong Linggo, ayon kay Regional Administrator Elias Umeta.
Aniya, ang mga armadong lalaki ay mula sa grupo ng OLF Shane ng Western Wollega Zone, rehiyon ng Oromiya.
Aniya, "We buried today 32 of them. About 700 to 750 people were also displaced from the area."
Ang grupong OLF Shane ay humiwalay sa Oromo Liberation Front, isang opposition party.
Samantala, hindi pa malinaw ang dahilan ng pagpatay ng naturang grupo, ayon kay Elias.
Aniya, "They were executed after they were told by the armed group they want to have a meeting with them."
Ayon naman sa Ethiopian Human Rights Commission, target ng mga gunmen ang mga taong mula sa ethnic Amharic group.
Pahayag ni Chief Commissioner Daniel Bekele, "They were dragged from their homes and taken to a school where they were killed.
" These gruesome killings of civilians are unconscionable and flout basic principles of humanity."
Comments