ni Lolet Abania | September 27, 2020
Umabot sa kabuuang 317 Pinoy na nanggaling sa Beirut, Lebanon ang nakauwi na sa Manila kahapon sa ginawang special chartered flight sa kabila ng nararanasan ng buong mundo na COVID-19 pandemic.
Ayon sa Office of the Presidential Assistant on Foreign Affairs, ito na ang ikalimang chartered repatriation flight simula pa noong June sa mga Pinoy na nais nang makauwi sa bansa para makapiling ang kani-kanyang pamilya.
Alinsunod ito sa ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang address sa United Nations General Assembly na nagaganap sa kasalukuyan. “The twin missions demonstrate the continuing commitment of the Philippine Government to assist Filipinos who wish to return home as a result of the COVID-19 pandemic and other challenges, as well as the solidarity of the Filipino nation with the Lebanese people,” pahayag mula sa nasabing opisina.
Sa assembly, inanunsiyo ni P-Duterte na sinimulan ng gobyerno ng Pilipinas ang repatriation program na layong maiuwi sa bansa ang mahigit 345,000 overseas Filipino workers (OFWs).
Simula noong February 2020, may kabuuang 193,429 Pinoy na ang nakabalik sa bansa. Samantala, mayroong 2,596 Pinoy mula sa Lebanon ang napauwi na noong December 2019.
Comments