top of page
Search
  • BULGAR

31 yrs. nang magkarelasyon… GLADYS AT CHRISTOPHER, 2 BUWANG NAGHIWALAY

ni Lucille Galon @Showbiz News | July 13, 2024


Showbiz Photo
Photo: Gladys Reyes / IG

Ibinulgar nina Gladys Reyes at Christopher Roxas sa kanilang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda na minsan na silang nagkahiwalay.


Nag-break daw sila na umabot nang dalawang buwan. 


Well, nu’ng mangyari raw ‘yun ay na-realize nila kung gaano nila kamahal at gaano sila kahalaga sa isa’t isa.


Ibinahagi rin nila kung bakit matibay ang kanilang relasyon na mahigit tatlong dekada na.


Ani Christopher, “Alam lang namin ‘yung gusto namin sa buhay, ‘yung gusto namin sa pagsasama namin. Tinitingnan lang namin ‘yung maganda.”


Sey naman ni Gladys, “Malaking factor ‘yung faith namin. Iba ‘yung ‘pag pareho kayo ng pananampalataya. Lagi kong sinasabi, prayers, patience, partnership, and to also respect each other’s individuality.”


Samantala, ang solusyon naman nila kapag nag-aaway ay mas mabuting matulog muna at saka na pag-usapan ang kanilang naging pagtatalo, ‘pag hindi na mainit ang kanilang ulo.


Sa usapang privacy naman, hindi raw nila alam ang password ng isa’t isa sa kanilang cellphone dahil malaki raw ang tiwala nila na walang manloloko.


Ang sagot naman ni Gladys sa tanong ni Tito Boy na kung sino ang unang nangangalabit (nag-aaya ng sex), “Eh, ‘di ba, first boyfriend ko s’ya, tapos s’ya na ‘yung naging asawa ko? Siyempre, nu’ng una ay nahihiya ka pa, antay-antay ka lang. Ngayon, hindi na, siyempre 31 years na, ako na rin minsan. Bakit naman, asawa ko na ‘yan, eh, ‘di ba? First and last ko nga, eh, mahihiya pa ba ako?”


Well, wala namang masama kung babae ang unang nangangalabit ,‘di ba, lalo na kung mag-asawa na? 


Ano’ng sey n’yo, mga ka-BULGAR?


0 comments

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page