ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 11, 2024
Photo: Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco - Circulated
Finally ay sinagot na ni Gretchen Barretto ang tsikang hiwalay na sila ng long-time partner niyang si Tony Boy Cojuangco.
Sa tsikahan nina La Greta at Dra. Aivee Teo na lumabas sa vlog ng celebrity doctor, ayon sa aktres ay tinatawanan na lang nila ni Tony Boy ang kanilang breakup rumor.
“Ang funny nga when people say hiwalay, oh, my gosh. Alam mo now, I laugh, we really laugh already,” sabi ni Greta habang nagpapa-beauty treatment kay Dra. Aivee.
Sey naman ng celebrity doctor kay Greta, “'Coz (because) Tony is your constant, eh.”
Sabi naman ng dating aktres, “Oh, yeah, you have history, you have continuity. You have everything.”
Sey pa niya about Tony Boy, “You know, when a man supports a woman wherever you go, supports you even when you’re doing derma, that is something else. A keeper.”
Dagdag pa niya, “That’s what Tony is. It doesn’t matter what time, what day. Tingnan mo naman, 31 years na kami sa Feb (February) and never separated, ha?”
So, there!
MASAYANG-MASAYA ang Star Music’s new artist na si Geraldine Jennings dahil finally ay released na ang kanyang debut single na If Ever I Will Love Again (IEILA) composed by Ogie Alcasid.
Ang nasabing awitin ay tungkol sa sakit na dulot ng paghihiwalay at kung makakaya pa ba ang umibig muli.
“It’s about loving someone and the feeling of heartbreak which I’m sure a lot of people have experienced. But I wanted to add a sense of empowerment towards the end of the song that you will be able to love again,” paliwanag ni Geraldine sa kanyang single sa mediacon na ginanap kamakailan.
Sobrang happy din niya na ang Star Music pa ang magdi-distribute ng song at dream come true raw ito para sa kanya.
“I’m very grateful and excited to be part of Star Music. It is a very reputable company, so to be able to be part of it for my first ever single is a dream come true,” sey ng half-Filipino, half-British singer.
Dahil nga tungkol sa love and heartbreak ang kanyang kanta, natanong din ang dalaga kung nagmamahal ba siya ngayon.
“Wala akong dyowa,” sey niya.
Dagdag niya, “Siyempre, if it happens, why not? But as of now, I’m single. I have friends, siyempre, meron akong crush, pero wala akong boyfriend as of now.”
Samantala, released na rin ang music video ng IEILA na mapapanood sa YouTube (YT) channel ng Star Music. Kasama niya sa MV bilang leading man ang Filipino-German model na si Kirk Bondad.
Ang kantang If I Will Ever Love Again ay available on various digital streaming platforms.
MAGKAKASUNOD na araw na nagtala ang drama-thriller series ng ABS-CBN na Lavender Fields (LF) ng all-time high viewership record nitong nakaraang Linggo.
Last Friday, October 4, ay nagtala ang serye ng 755,332 peak concurrent viewers. Ito’y matapos abangan ng mga manonood ang kahihinatnan ni Jasmin (Jodi Sta. Maria) matapos malaman ni Zandro (Albert Martinez) ang kanyang tunay na pagkatao.
Sunud-sunod na binasag ng serye ang viewership records nito nang makakuha ang episode noong Miyerkules, October 2, ng 657,514 views, na nilampasan ang dati nitong record simula noong pagpalabas ng pilot episode, habang ang episode nitong Huwebes, October 3, ay umabot sa 748,268 views.
Nang sumunod na araw, October 4, nilampasan ng episode na ito ang viewership record ng serye sa ikatlong pagkakataon nang makakuha ito ng 755,332 views.
Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang LF dahil sa pasabog na mga rebelasyon nito.
Nananatili naman ang serye bilang isa sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH, habang numero uno pa rin ito sa mga pinakapinapanood na palabas sa iWantTFC.
Comments