ni Jasmin Joy Evangelista | November 25, 2021
Patay ang 31 migrants kabilang ang 5 babae at 1 batang babae habang tumatawid sa English Channel mula France patungong UK matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka.
Batay sa report, mayroong sakay na 34 katao ang bangka kung saan 31 ang nasawi, 2 ang survivor, habang nawawala naman ang isa.
Ito ay itinuturing nilang deadliest disaster mula nang maging tawiran ang Channel.
Nangako naman si President Emmanuel Macron na hindi hahayaan ng France na maging libingan ang Channel at nagpatawag ng emergency meeting sa mga European ministers hinggil sa insidente.
"It is Europe's deepest values - humanism, respect for the dignity of each person - that are in mourning," ani Macron.
Sa report ng La Voix Du Nord, isang regional news site sa northern France, nabangga umano ang bangka ng isang container ship, dahilan para ito ay lumubog at malunod ang mga sakay nito.
Sa ngayon ay wala pang pinal na detalye at impormasyon na inilalabas ang mga opisyal ng magkabilang panig ng Channel hinggil sa insidente.
Comments