top of page
Search
BULGAR

31 lugar sa Cebu, COVID-19-free na

ni Lolet Abania | December 24, 2020




May kabuuang 31 lugar sa lalawigan ng Cebu ang idineklarang COVID-19-free.


Sa inilabas na record ng integrated provincial health office ngayong Huwebes, kabilang sa mga COVID-free areas sa Cebu ang 30 munisipalidad at isang siyudad.

Ayon sa report, nag-improve ang mga naturang lugar dahil sa disiplina at mahigpit na pagsunod ng mga residente sa ipinatutupad na health protocols.


Sa Cebu City, mayroong 52 sa kabuuang 80 barangays ang naitalang COVID-19-free, ayon sa datos ng health office ng siyudad.


Matatandaang nag-anunsiyo si Mayor Edgar Labella ng Cebu City na magbibigay siya ng P100,000 pabuya para sa mga barangay na magagawang maging zero COVID-19 infections ang kanilang lugar simula November hanggang December ngayong taon.


Sa ngayon, may 26 barangays ang makakatanggap ng ipinangakong P100,000 reward.


Patuloy din na hinihimok ng lokal na pamahalaan ang mga residente na sumunod sa itinakdang minimum health standards upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page