top of page
Search
BULGAR

304 public schools, sasabak sa expansion phase ng F2F classes — DepEd

ni Lolet Abania | February 4, 2022



Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ngayong Biyernes na nasa tinatayang 304 pampublikong paaralan sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2, ang handa nang sumabak sa papapalawig ng face-to-face classes.


Sa isang virtual press conference, ayon kay DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma, tinatayang nasa 6,347 public schools na nakabilang sa expansion phase ng limitadong F2F classes ang aniya, “underwent assessment and are deemed ready”.


Gayunman, nilinaw ni Garma na nasa tinatayang 304 pampublikong paaralan lamang ang handa nang simulan ang implementasyon ng limitadong face-to-face classes dahil ang lokasyon ng mga lugar nito ay nasa ilalim ng Alert Level 2.


Sa nasabing bilang ng eskuwelahan, mayroong 12 public schools sa Region 2; 106 public schools sa Region 3; 54 public schools sa Region IV-A; 9 public schools sa Region VIII; at 123 public schools sa National Capital Region (NCR).


Batay sa nakasaad sa expansion phase aniya, “schools must be validated as compliant with the standards of the School Safety Assessment Tool (SSAT) and located in areas under Alert Levels 1 and 2 based on the periodic risk assessment by the DOH.”


Gayundin, ang mga napabilang na paaralan para sa expansion phase ay maaari ring magdagdag ng ibang grade levels, base sa kapasidad ng eskuwelahan.


Una nang sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang mga estudyante na makikiisa sa face-to-face classes ay dapat mayroong written consent ng kanilang mga magulang.


“Only vaccinated teachers may participate in the face-to-face classes, and vaccinated learners shall be preferred,” sabi pa ni Briones.


תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page