top of page
Search
BULGAR

300K OFWs, napauwi na sa ‘Pinas dahil sa pandemya

ni Thea Janica Teh | December 14, 2020




Umabot sa 300,000 overseas Filipino Workers (OFW) ang napauwi ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo.


Napauwi ng DFA ang 13,537 OFWs ngayong linggo at ito ang pinakamataas na napauwi ng ahensiya simula nang mag-umpisa ang COVID-19 repatriations noong Pebrero. Ayon sa DFA, may kabuuang 300,838 OFWs na mula sa iba’t ibang bansa ang nakauwi na sa Pilipinas matapos bumaba ang ekonomiya at maapektuhan ng COVID-19 ang pinagtatrabahuhang bansa.


“This is the biggest repatriation effort in the history of the DFA and of the Philippines,” sabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola.


Kabilang sa 59 flights ngayong linggo na dumating sa ating bansa ang Philippine Airlines na nag-uwi ng 319 OFWs mula sa Dammam, Saudi Arabia.


Samantala, bumaba ng 1.4% ang cash remittance ng mga OFWs mula January hanggang September ngayong taon kung ikukumpara noong 2019 sa parehong buwan. Ito umano ang epekto ng pandemya sa libu-libong OFWs na nawalan ng trabaho.


Recent Posts

See All

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page