ni Angela Fernando - Trainee @News | January 21, 2024
Itinanggi ng Mati City Disaster Risk Reduction Management Office ang mga naunang ulat na may 300 minero ang napinsala sa isang minahan at nilinaw na tagumpay na nakauwi ang mga ito sa kanilang tahanan.
Nilinaw ng Mati CDRRMO sa isang reporter na tumawag sa kanilang emergency hotline na ang mga minerong nagtatrabaho sa Hallmark Mining ay hindi nakulong kundi na-stranded lang dahil sa flash flood nu'ng Huwebes.
Ayon sa pinuno ng Mati CDRRMO na si Charlemagne Bagasol, nakatanggap sila ng tawag mula sa isa sa mga kamag-anak ng mga minero at doon ipinaalam sa kanila ang sitwasyon.
Agad naman silang nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng Brgy. Macambol at doon napag-alamang pinabalik ng kumpanya ang mga minero para masiguro ang kanilang kaligtasan.
Comments