ni Mary Gutierrez Almirañez | May 24, 2021
Inaasahang darating sa ika-21 ng Hunyo ang 300,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccines, batay sa kumpirmasyon ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ngayong araw, May 24.
Aniya, "June 21 is the target date of delivery for the first batch of Moderna vaccines. It will be 300,000 doses as a start. We will be getting more by July, August and September."
Matatandaang mahigit 20 million doses ng Moderna ang binili ng ‘Pinas sa America, kasama rito ang 7 million na binili ng private sectors. Ito ay nagtataglay ng 94% efficacy rate at puwede sa 18-anyos pataas.
Sa ngayon ay 8,279,050 doses ng COVID-19 vaccines na ang kabuuang bilang ng mga nai-deliver sa bansa, kabilang ang mga brand na Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V at Pfizer.
Kommentare