ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 30, 2021
Marami ang naiinggit ngayon sa magandang kapalaran ng mga taong nag-alaga at naging loyal sa yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ang dalawang taong nagsilbi ng tatlong dekada at matapat na naglingkod kay PNoy hanggang sa huling sandali ay sina Yolly Yebes at Norly Mariano. Si Yolly ay kasambahay ni PNoy at si Norly naman ang personal driver na itinuring nang kapatid ng pangulo. "Brother” nga ang tawagan nila.
Pagkatapos maihatid si PNoy sa huling hantungan, binasa na ng abogado ng pamilya Aquino ang Last Will and Testament na iniwan ng dating pangulo. Sinaksihan ito ng apat niyang kapatid na babae na sina Ballsy, Viel, Pinky at Kris. Naroroon din ang kasambahay at personal driver ni PNoy dahil kasama sila sa pinamanahan ng yumaong pangulo.
Bukod kay Joshua ay may iniwan din para kina Yolly at Norly. Wala namang naging pagtutol dito ang apat na kapatid na babae ni PNoy. Nakita naman nila ang pagsisilbi nina Yolly at Norly sa kanilang Kuya Noy at deserve na bigyan sila ng pabuya sa kanilang matapat na paglilingkod sa loob ng 30 yrs..
Samantala, balita ring halos kalahati ng yaman ni PNoy ay sa paboritong pamangkin na si Joshua niya iniwan. Kasama na raw dito ang bahay ng mga Aquino sa Times Street, QC. Kaya, secured na secured na ang buhay ni Joshua ngayon.
Comentarios