top of page
Search
BULGAR

3 yrs., nang umaasa… Dalawang supling, nakatakda sa mag-asawang todo-asa magkabeybi

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | Oct. 16, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Bago n’yo pa lang akong tagasubaybay. Aliw na aliw kasi ako sa mga article na inilalabas n’yo.

  2. Three years na kaming kasal ng mister ko, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibiyayaan ng beybi.

  3. Maestro, base sa aking palad, may chance pa ba kaming magkabeybi ng mister ko? Kung sakaling oo, kailan naman kaya ito magaganap? 

  4. Ano’ng gender din kaya ang una naming magiging beybi? Lalaki o babae ba ito? 

 

KASAGUTAN

  1. Medyo mahirap makita sa guhit ng palad ang tinatawag na Children Line (Drawing A. at B. 1-C, at 2-C), dahil ito ay maliliit na hibla lamang ng mga guhit, gayunman may dalawang guhit sa iyong palad hinggil sa guhit ng anak.

  2. Una, ‘yung pataas na guhit sa ilalim ng daliring hinliliit na makikita sa ibabaw ng Marriage Line (1-M arrow b.). At ang ikalawa, tingnan mo ang Guhit ng mga Supling ‘yun bang guhit na pahalang sa gilid ng palad, (1-C, at 2-C). Sa kaso mo, dalawang malusog na Children Lines (Drawing A. at B. 1-C at 2-C, arrow a. at b.) ang nakikita sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ibig sabihin, dalawa ang magiging baby n’yo sa hinaharap. Lalaki ang una, dahil makapal at mas mahaba ang nasabing Guhit ng Supling (1-C arrow a.), habang posibleng babae naman ang ikalawa, dahil medyo manipis at maikli ang guhit (2-C arrow b.), mula sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Ang pag-aanalisang ito na magkaka-baby na kayo sa hinaharap ay madali namang kinumpirma ng lagda mong nagkaroon ng “phallic symbol” sa dulong bahagi. Ang “phallic symbol” na ito ay ang tila kudlit sa loob ng letrang “o”, kung saan, ang “phallic symbol” na iyan kung sa terminong pang-psychology ang pag-uusapan, iyan din ang “penis” o kasarian ng isang lalaki.

  5. Kaya masasabi natin na ngayon pa lang ay nasagap na ng unconscious mong isipan o unconscious mong pagkatao, ang mabubuo n’yong baby, isang malusog at matalinong lalaking sanggol, na susundan naman ng isa pang malusog at cute rin na babaeng sanggol.

 

DAPAT GAWIN

Yinah, ayon sa iyong mga datos na kinumpirma ng Children Calendar n’yo, humigit kumulang sa first quarter ng susunod na taong 2025, magkakaroon ka na kayo ng beybi at mabubuntis ka na. Samantala, makalipas ang siyam na buwan, isisilang mo na ang isang malusog na lalaking sanggol na siyang kukumpleto at magbibigay ng dagdag-galak sa inyo na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2025, sa buwan ng Oktubre o Nobyembre, sa edad mong 34 pataas.





0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page