top of page
Search
  • BULGAR

3 yrs. bago pinalitan si Julia… JOSHUA AT BELLA, HOLDING HANDS SA MALL SA MAKATI

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | October 7, 2022




Mabuti naman at may kapalit na si Julia Barretto sa puso ng ex-love niyang si Joshua Garcia na sa ngayon ay umaarangkada na ang showbiz career sa seryeng Darna 'coz may bago na nga itong inspirasyon at love of his life sa katauhan ng 20-anyos na si Bella Racelis.


For sure ay naka-move on na itong si Joshua matapos ang tatlong taong ipinagpalit siya ni Julia sa actor rin na si Gerald Anderson at happy and inlabey na uli ang kanyang heart sa katauhan nga ni Bella Racelis na 'di belong sa showbiz world kundi isang social media influencer.


Pero natiis nitong si Joshua ang tatlong taong walang girlfiend, ha, in pernes!


Eh, lakas pa naman ng arrive niya bilang guwaping na ay mahusay pa sa acting. Kaya nag-wan-plus-wan ang ilang madlang pipol na siguro raw ay nasaktan nang husto ang heart nitong si JG at umayaw muna sa tawag ni Kupido.


Last Sunday, October 2 ay nag-viral ang picture ng Darna leading man kasama si Bella na magka-holding hands habang namamasyal sa isang high-end mall in Makati City.


Pero una silang natsismis last August pa, so 'yun na siguro ang simula ng kanilang love affair.


At marahil nga ay itong si Bella Racelis ang naging inspirasyon nitong si Joshua kung bakit ang galing-galing nitong umakting sa bawat eksena niya sa Darna bilang si Brian na isang pulis.


Well, we are also happy for you, Joshua Garcia, at muling nabuksan ang iyong puso-cum love life buhat nang saraduhan ni Julia Barretto, boom, ganern!


So there, Marites, Marisol and Mosang, if you care to know.


'Yun lang and I thank you!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page