ni Ambet Nabus @Let's See | June 4, 2023
Halos maniwala ang mga tao sa Araneta Coliseum concert ni Meme Vice Ganda nu'ng Biyernes (June 2) nang sa isang bahagi ng kanyang show ay nag-monologue ito tungkol sa alamat ng pechay.
Very attentive ang mga tao sa bawat sinasabi ni Vice, lalo na noong ini-reveal nitong 3 years ago pa nang mag-decide siyang magpalagay ng "pechay".
“Actually, hindi naman kami nagulat pa dahil kumbaga, common knowledge naman na 'yun sa mga gaya niya. Nakakakilig nga,” tsika ng nakausap naming nanood ng super hit concert.
Paniwalang-paniwala na sana ang lahat na meron nang “pechay” si Vice, kaya lang, biglang sinabi nito na natatakot na siya sa reaksiyon ng mga tao. Agad niya itong pinabulaanan at sinabing, “Naku, hindi po totoo. Hindi ko po 'yun ginawa.”
Comments