top of page
Search
  • BULGAR

3 senatorial bet ni PBBM, may tulog, 3 Duterte sure win, weh?!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 27, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


‘MAJOR’, PROTEKTOR NG SINDIKATONG STL-CON JUETENG SA WESTERN VISAYAS -- Isang “major” raw ang protektor ng raket na sindikato ng STL-bookies nina alyas "Dindo," "Ted" at "Rodney" sa Aklan, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Antique at Guimaras.


Kaya naman pala hindi natitigil ang raket na STL-bookies sa buong Western Visayas kasi may isang “major” pala ang nagsisilbing protektor, pwe!


XXX


3 MANOK NI PBBM, MALALAGLAG SA SENATORIAL ELECTION KASI SURE WIN ANG 3 DUTERTE -- Inanunsyo ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na tatlong Duterte ang kakandidato sa pagka-senador sa 2025 midterm election, at ang mga ito raw ay ang kanyang amang si ex-P-Duterte, kuya niyang si Davao City Rep. Paolo Duterte at isa pang kapatid na si Mayor Baste Duterte. 


Naku malamang, kabado na ang mga manok ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa pagka-senador kasi kung totoong tatlong Duterte ang kakandidatong senador ay sure win ang mga iyan, na ang ibig sabihin, tatlong senatorial bet ng Marcos admin ang awtomatikong malalaglag sa senatorial election, boom!


XXX


5 SLOT NA LANG ANG PAG-AAGAWAN NG MARCOS AT DILAWAN SENATORIABLES SA 2025 ELECTION -- Si Sen. Bong Go na re-electionist for senator ay sure win din sa pagka-senador dahil nga napakaraming mahihirap na kababayan ang natutulungan ng isinabatas niyang ‘Malasakit Center’ o free hospitalization sa mga public hospitals at ang programa niyang ‘Super Health Center’ para naman sa free laboratory, at kapag itinodo rin ni ex-P-Duterte ang pangangampanya kina re-electionist Sen. Ronald Dela Rosa at Phillip Salvador, tapos makukumbinse pa si Willie Revillame na kumandidato, tiyak mananalo rin ang mga iyan, kaya ang total na magwawaging senador sa kampo nila ay pito, at limang slot na lang ang pag-aagawan ng mga Marcos loyalist, dilawan at independent senatoriables, saklap!


XXX


NAG-AANGALAN NA ANG MGA MARCOS SUPPORTER SA TAAS-PRESYO NG BILIHIN -- Nag-aangalan na ang majority Pinoy sa sobrang taas ng presyo ng bigas, itlog, galunggong at iba pang bilihin sa merkado.


Sa “kalye surbey” na isinagawa ng mga Marcos loyalist vloggers noon ay majority Pinoy ang nagsabing si BBM (Bongbong Marcos) ang iboboto nila dahil sa promise nito na ibababa ang presyo ng mga bilihin, pero nang maging presidente na, hindi bumaba at sa halip pataas nang pataas ang presyo, period!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page