top of page
Search
BULGAR

3 preso, panalo sa eleksyon

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 1, 2023




Pinapayagan na tumakbo sa halalan ang mga Persons deprived of liberty (PDLs) basta't wala pang huling hatol mula sa hukuman, ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia ngayong Miyerkules.


Ipinaliwanag ito ng Comelec chief matapos na manalo sa 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ang tatlong PDLs.


“Pinayagan natin sila makaboto sapagkat sabi po ng Korte Suprema doon sa kaso ng Aguinaldo versus Comelec at saka po [Bureau of Corrections], dahil hindi pa sila finally convicted, wala pang final judgment na sila ay guilty, therefore, meron pa silang karaptan bumoto at may karapatang maiboto. ‘Yun po ang kadahilanan kung bakit sila ay nakaboto at nakatakbo,” Garcia sabi ni Garcia sa isang pahayag sa Dobol B TV.


Tinutukoy ni Garcia ang isang desisyon ng Korte Suprema noong Marso 2022 na nagpasya na pinapayagan ang mga bilanggo na bumoto sa antas ng lokal na pamahalaan.


Bagamat pinapayagan silang tumakbo sa puwesto, sinabi ni Garcia na patuloy pa ring ipinagbabawal sa mga PDLs ang pagpunta sa mga barangay hall para magsilbi.


“Ngayon, paano sila magsisilbi? In the meantime, siguro naman po ay alam ng mga constituency nila na sila ay nasa kulungan… In the meantime, deprived of liberty po siya and very limited ang kaya at pwede lamang niyang gawin,” dagdag niya.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page