ni MC / Clyde Mariano @Sports | April 5, 2024
Mainit ang naging simula ng Pilipinas team sa Smart Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open sa paghamig ng tatlong straight-sets victories kahapon sa Santa Rosa, Laguna.
Tinalo nina Ran Abdilla at AJ Pareja ang Australians na sina Potts D’Artagnan at Ben Hood, 21-17, 21-19 sa first match center court ng world-class Nuvali Sand Courts ng Ayala Land kasunod ng panalo rin nina James Buytrago at Rancel Varga kontra Indonesia’s Yogi Hermawan at Ketut Ardana, 21-11, 21-9.
Dinispatsa nina Gen Eslapor at Kly Orillaneda ang Singaporeans na sina Cecilia Huichin Soh at Tin Wing Chan, 21-9, 21-15.
Sa iba pang women’s matches, tinalo ng Thailanders P. Woranatchayakorn at P. Charanrutwadee ang Macau’s Leong Onieng at Law Wengsam, 21-14, 26-24, habang namayani ang Japan’s Suzuka Hashimoto at Reika Murakami kina Eliza Chong and Huiying Ang ng Singapore, 21-10, 21-12.
Magho-host din ang PNVF sa Nuvali sa Volleyball World Beach Pro Tour-Futures mula Abril 11 -14 at matapos iyon ay ang Nations League Men’s Week 3 ang susunod sa June 18 to 23.
Samantala, maglalaban ang National University (NU) at De La Salle-Lipa para sa women’s solo lead sa pagbabalik ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship ngayong Biyernes sa Rizal Memorial Coliseum.
Parehong hawak ng NU at De La Salle-Lipa ang 2-0 won-lost records sa Pool B para sa 1 p.m. match.
Umiskor ang Lady Bulldogs ng 25-4, 25-16 at ilampaso ang Parañaque City kasunod ng 25-10, 25-12 debut kontra Colegio de Los Baños, 25-10, 25-12 sa unang weekend ng event.
Ginapi rin ng La Salle-Lipa ang kapitbahay na Canossa Academy-Lipa, 22-25, 25-19, 25-17, bago winalis ang Batangas bet, San Juan Institute of Technology-Batangas, 25-17, 25-19.
Comments