top of page
Search
BULGAR

3 patay sa lindol sa Surigao del Sur

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 6, 2023




Umabot na sa tatlo ang bilang ng namatay sa lindol sa Mindanao na may 7.4 magnitude dahil sa dalawang karagdagang nasawi sa rehiyon ng Caraga, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules.


Sinabi ng NDRRMC na patuloy nilang kinukumpirma ang iniulat na mga namatay, kabilang ang isang buntis sa Davao Region, at ang 48 na mga sugatan dahil sa malakas na lindol na may sentro sa Hinatuan, Surigao del Sur.


Batay sa datos ng ahensiya, may kabuuang 132,615 pamilya na binubuo ng 528,203 na indibidwal, ang naapektuhan ng lindol na may mahigit sa 3,300 aftershocks hanggang sa umaga nitong Miyerkules.


Hindi nagsanhi ng tsunami ang malakas na lindol, ngunit iniulat ng NDRRMC ang pinsalang naranasan ng halos 4,000 na bahay, lalo na sa rehiyon ng Caraga. Sa iniulat na pinsalang nangyari sa mga bahay, 304 sa kanila ang hindi na matirahan.


Nakaapekto rin ang lindol sa 19 na linya ng komunikasyon na nagdudulot ng pagputol ng suplay ng kuryente. May mga kalsada at tulay din na hindi pwedeng daanan ng mga sasakyan.


Idineklara ang buong lalawigan ng Surigao del Sur na nasa ilalim na ng state of calamity.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page