top of page
Search
BULGAR

3 patay sa Ebola virus sa Africa

ni Lolet Abania | February 15, 2021





Tatlo ang naitalang patay matapos na tamaan ng Ebola virus sa Guinea, bahagi ng West Africa. Mula nu'ng 2016, ngayon lang uli dinapuan ang nasabing bansa ng ganitong klase ng sakit.


Bukod sa mga namatay, may limang inoobserbahan pa sa ospital dahil sa nagpositibo rin ang mga ito sa Ebola virus.


Nakaranas ang mga pasyente ng pagsusuka, matinding pagdumi o diarrhea at pagdurugo matapos na sila ay makipaglibing. Hindi naman nagbigay ang mga awtoridad ng iba pang detalye sa pagkakakilanlan ng tatlong namatay at limang pasyente na infected ng Ebola virus.


Matatandaang sa pagitan ng 2013 at 2016, mahigit sa 11,000 katao ang naitalang namatay sa West Africa dahil sa Ebola epidemic na nagsimula sa Guinea.


Ayon sa mga eksperto, nakukuha ang Ebola virus kapag ang isang tao ay nagkaroon ng close contact sa mga infected o maysakit na hayop gaya ng chimpanzees, fruit bats at forest antelope.


Habang nahahawahan naman ang mga tao sa pamamagitan ng direct contact sa nagpositibo sa nasabing virus. Gayunman, bilang pagtugon sa epidemya, maraming vaccines ang isinagawa para labanan ang pagkalat ng nasabing sakit sa Democratic Republic of Congo.


Ang mga nais namang maging volunteer sa trial ay kailangan lamang sumagot sa maikling questionnaire. Samantala, mahigit sa 200 milyong doses kada buwan ang gagawin ng AstraZeneca pagsapit ng Abril dahil sa kanilang target na magkaroon ng 3 bilyong doses ngayong taon.


Recent Posts

See All

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page