top of page
Search
BULGAR

3 Pasahero galing sa bansang may travel ban, naharang, pinabalik

ni Lolet Abania | December 31, 2020




Naharang ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong pasahero na may travel history sa mga bansang ipinatutupad ng pamahalaan ang travel ban upang maiwasan ang pagkalat ng bagong COVID-19 na nanggaling sa United Kingdom. "Yesterday, may na-intercept po tayo. Kung 'di ako nagkakamali, nasa tatlo po 'yung na-intercept natin that came from these countries," ani BI spokesperson Dana Sandoval ngayong Huwebes. "They were turned back po, hindi po sila pinayagang pumasok ng Pilipinas. Excluded po natin sila," dagdag ni Sandoval.


Hindi naman binanggit ni Sandoval kung saang bansa na may travel ban nagpunta ang tatlong pasahero. Matatandaang agad na nagpatupad ng travel ban ang gobyerno sa mga pasaherong manggagaling sa 20 bansa na na-detect na mayroong bagong variant ng COVID-19 virus. Epektibo ang ban mula December 30, 2020 hanggang January 15, 2021 sa mga bansa tulad ng UK, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada at Spain. "Kung mayroon po silang travel history within the last 14 days dito po sa countries na ito, kahit hindi po sila doon directly nanggaling, hindi pa rin po natin papapasukin," ani Sandoval.


Inatasan din ang mga BI officers sa lahat ng airport sa bansa na magsagawa ng 100% passport inspection upang matiyak na ang mga travel histories ng mga darating na pasahero ay maayos at walang problema. Gayunman, ang mga Filipino na uuwi sa ‘Pinas na manggagaling sa 20 bansa na may travel ban ay papapasukin pa rin sa bansa.


"Kahit galing po sila doon sa 20 countries papayagan naman pong pumasok but they would be referred to the one-stop shop para strictly ma-implement 'yung 14-day quarantine," paliwanag ni Sandoval.


Naghihintay naman ang BI ng official order mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung idaragdag ang United States sa travel ban.


"We are on standby kung sakali po na makita ng IATF na kailangan pong i-expand itong travel restrictions po natin but we're ready to implement kung sakali pong makita nila na kailangan na po talagang i-expand ito," sabi ni Sandoval.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page