top of page
Search
BULGAR

3 panukalang batas, pinamadali ni P-DU30

ni Lolet Abania | October 17, 2020




Sinertipikahan kahapon (October 16), ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong panukala na inihain ng House of Representatives at Senado bilang "urgent bill". Ito'y ang House Bill 6174, Senate Bill 1412 at Senate Bill 1849 bilang tugon sa pandemya ng COVID-19. Sa House Bill 6174 at katulad na Senate Bill 1412, parehong panukala na amyendahan ang Anti-Money Laundering Act at palawigin ang Republic Act 9160 o “Anti-Money Laundering Act of 2001.” Gayundin, layon ng bill na ito na magkaroon ng mahigpit na probisyon para sa AML Act. Layon naman ng Senate Bill 1849 o panukalang Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) Act na tiyaking magiging matatag ang mga pribado at pampublikong financial institutions sa bansa habang may pandemya at pagkakaroon ng asset-managing corporations na magsasaayos at hahawak ng mga “bad loans and stagnant properties” ng mga ito.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page