top of page
Search
  • BULGAR

3 pang gold medal kay De Los Santos sa online

ni Gerard Arce - @Sports | September 9, 2020




Magkakasunod na pagpupunyagi’t tagumpay ang muling inihandog ni 2017 Southeast Asian Games medalist James De Los Santos para sa bansa nang ibulsa nito ang tatlong magkakahiwalay na gintong medalya sa loob lamang ng isang linggo para magbigay sa kanya ng ika-8 titulo.

Unang kinuha ng 30-anyos na karateka ang kanyang 6th gold medal sa kategoryang E-kata individual male seniors sa E-Champions Trophy World Series na nagsimula noong Agosto 30-Sept 6 nang talunin niya si Moreno Domont Matias ng Switzerland 25.7-24.5.

Inuwi nito ang kanyang 7th gold medal sa 2nd Dutch Open E-Tournament nitong nakalipas na Agosto 28-Sept 7 nang talunin niya si American Alfredo Bustamante ng Miyagiken International Academy sa iskor na 25.4-24.7. Nakamit niya ang kanyang ika-walong titulo sa Miyamoto Musashi – Five Rings E-Tournament nang talunin sa finals si Alves Murilo ng Brazil sa pamamagitan ng 25.3-24.5.

Nauna ng nakamit ng De La Salle University Accountancy graduate ang lima pang titulo sa online-virtual kata tournaments kung saan nakuha nito ang mga ginto sa Sportsdata E-Tournament: Athletes E-tournament Cash Award Series 1 ranked event championship; Korokotta Cup 2020, Palestine International Karate Cup noong Hunyo; Balkan Open E-tournament-Kata/Kumite Ranked nitong Hulyo at E-Karate Games 2020 nitong Agosto. It’s an amazing feeling that I’m able to make a gold sweep in these tournaments. The hard work is paying off. But the journey to number 1 is still a long way. There’s still much more to do,” pahayag ni De Los Santos sa panayam ng Bulgar Sports sa online interview.

Bago nakuha ng dating national team member ang kanyang 6th title ay tinalo muna nito sina Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa 24.9-24.3 sa quarterfinals, habang nakatanggap ng default victory ito laban kay Scott Taylor ng Canada sa semifinal duel.

Sinimulan namang talunin ng 2017 SEA Games bronze medalist sa 2nd Dutch Open sina Eric Tran ng U.S. sa round-of-16; Matias Moreno Dormont ng Switzerland sa quarterfinals at Leonardo Mattei ng San Marino sa semifinals.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page