top of page
Search
BULGAR

3 pa nasawi sa Omicron variant — DOH

ni Lolet Abania | January 26, 2022



Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng tatlo pang nasawi mula sa mga Omicron variant cases sa bansa, kaya umabot na sa kabuuang lima ang namatay sa naturang sakit.


Sa isang mensahe sa mga reporters ngayong Miyerkules, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na lahat silang lima ay mga indibidwal na may comorbidities.


“Three are seniors and all have comorbidities. One partially vaccinated, one unvaccinated, and the remaining 3 are still for verification,” sabi ni Vergeire.


Una nang iginiit ng DOH na ang mga senior citizens, may mga comorbidities, at mga hindi bakunadong indibidwal ay nananatiling may panganib sa Omicron, ang mas nakahahawang variant ng COVID-19.


“While Omicron mostly presents with asymptomatic and mild disease, our data shows that those most at risk for fatalities are still the elderly and those with comorbidities and unvaccinated,” ayon sa unang pahayag ng DOH.


Ang naunang dalawang nasawi ay mula sa nakumpirmang Omicron cases, kung saan sila ay mga unvaccinated senior citizens na may pre-existing medical conditions.


Gayunman, ayon sa DOH, matapos ang kanilang beripikasyon, isa sa naunang dalawang nasawi ay partially vaccinated o nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine.


Sa ngayon, nakapagtala na ang bansa ng kabuuang 535 Omicron cases.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page