ni Lolet Abania | October 5, 2020
Nagwagi ang dalawang American at isang Briton sa 2020 Nobel Prize for Physiology or Medicine para sa natatanging nagawa, ang pagdiskubre sa Hepatitis C virus na nagiging sanhi ng sakit na cirrhosis at liver cancer.
Ayon sa Nobel Assembly sa Karolinska Institutet sa Sweden, napili nilang bigyan ng nasabing parangal sina Harvey Alter, Charles Rice at Briton na si Michael Houghton dahil sa pagdiskubre ng tatlong scientists na labanan ang sakit na Hepatitis C.
"Prior to their work, the discovery of the Hepatitis A and B viruses had been critical steps forward," pahayag ng award-giving body, kasabay ng pagkakaloob ng prize na 10 million Swedish crowns o $1.1 million sa tatlong dalubhasa.
"The discovery of Hepatitis C virus revealed the cause of the remaining cases of chronic hepatitis and made possible blood tests and new medicines that have saved millions of lives," pahayag pa ng Nobel Assembly.
Gayundin, sa tatlong siyentipiko ibinigay ang Nobel Prize for Medicine dahil sa natatanging kontribusyon ng mga ito sa pagsugpo sa blood-borne hepatitis na isa nang pangunahing problema sa kalusugan sa buong mundo at nagiging sanhi rin ng cirrhosis at liver cancer.
Samantala, ang Hepatitis C ay isang impeksiyon na pangunahing nakakaapekto sa atay. Kadalasan, walang mga sintomas ngunit ang matagal at pabalik-balik na impeksiyon ay posibleng makasugat sa atay na humahantong sa sirosis at kanser sa atay. Kapag lumala pa ito, mauuwi sa pagkamatay dahil sa pagdurugo ng atay.
Comentarios