top of page
Search
BULGAR

3 months lang nagsama… FINAL ANSWER: CARLA, IPAPA-ANNUL NA ANG KASAL NILA NI TOM

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 29, 2022



Ibinalita ng veteran writer-TV host na si Cristy Fermin na naghahanda na raw si Carla Abellana ng mga papeles para sa annulment ng kasal nila ni Tom Rodriguez.


Sa kanyang online show na Showbiz Now Na ay ito ang napag-usapan nila ng kanyang mga co-hosts na sina Morly Alinio at Rommel Chika. Ayon nga kay 'Nay Cristy ay lumala na raw ang sitwasyon sa pagitan ng mag-asawang Carla at Tom.


Matatandaang tatlong buwan pa lang ikinakasal sina Tom at Carla nang umugong ang balitang hiwalay na ang mag-asawa, pero hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang kanilang bibig.


Ang tatay ni Carla na si Rey “PJ” Abellana ang tanging nagsalita tungkol sa issue nang mainterbyu nga ni 'Nay Cristy last March kung saan ay ibinunyag nga ng aktor na nagkaroon ng one-night stand si Tom.


Pero dahil nagalit si Carla sa ama, ngayon ay ayaw na ring magsalita ni PJ.


Anyway, sa nasabing online show ay pinayuhan ni 'Nay Cristy si Carla na magsalita nang minsanan lang para naman malaman din ng publiko kung ano ba talaga ang katotohanan.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page