ni Lolet Abania | January 3, 2022
Patay ang tatlong inmates habang 14 iba pa ang nasugatan matapos ang isang riot na naganap sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa, nitong Linggo ng gabi.
Ayon sa kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag, pasado alas-6:00 ng gabi nagsimulang mag-riot ang mga persons deprived of liberty (PDLs).
“Nagsimula lang daw ito sa kantiyawan at may pumutok na po na improvised shotgun at doon na po nagsimula ang kaguluhan,” ani Chaclag. “Kanya-kanyang self-defense na ang kanilang ginawa.”
Agad namang napahinto ng mga jail guards ang riot ng mga inmates, subalit umabot ng halos isang oras bago tuluyang nakontrol ang kaguluhan.
Pitong inmates, ang nagsimula umano ng riot na ayon sa BuCor ay nakatakda na nilang siyasatin.
Nakuha sa mga inmates ang mga improvised pistons o “sumpak” at iba’t ibang bladed weapons.
Comentarios