ni MC @Sports News | Nov. 3, 2024
Naging tulay ang tatlong gintong medalya mula sa Olympics kasunod ang apat pang Asian Games gold medals—kasama na ang natatanging men’s basketball title—na binigyang-diin ni Abraham “Bambol” Tolentino sa loob ng 4 na taon niya bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).
Dagdag pa ang overall championship sa matagumpay na pag-host ng bansa sa 30th edition ng Southeast Asian Games noong 2019 kung saan nagwagi ang Pinoy athletes ng 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals sa may 56 sports—higit sa 50 golds nang sumegunda sa Vietnam.
Sa administrasyon ng POC administration na pahirapan nang mahigitan lalo't may Carlos Yulo na naka-2 gymnastics gold medals sa Paris 2024 at bago iyan ay si weightlifter Hidilyn Diaz-Naranjo na unang naka-ginto sa Olympics noong Tokyo 2020.
“It’s about teamwork, it’s about setting and achieving goals, it’s about cooperation,” ani Tolentino na ayon sa kanyang video tinawag niyang “My Working Team” para sa muling halalan ng POC sa Nob. 29 sa East Ocean Palace Restaurant sa Paranaque City.
Tuwing apat na taon maghalal ng pamunuan sa POC kasabay ng Olympic cycle. Sa Nobyembre, ani Tolentino pinuno rin ng cycling federation mula 2008, pakay ding muling pamunuan ang pinakamataas na sports-governing body sa bansa kasama ang “Working Team” na sina Alfredo “Al” Panlilio (basketball) First Vice President, Rep. Richard Gomez (modern pentathlon) 2nd Vice President, Dr. Jose Raul Canlas (surfing) Treasurer at Donaldo “Don” Caringal (volleyball) bilang Auditor at Alexander “Ali” Sulit (judo), Ferdinand “Ferdie” Agustin (jiu-jitsu), Leonora “Len” Escolante (canoe-kayak) at Alvin Aguilar (wrestling) at Leah Jalandoni Gonzales (fencing) bilang miyembro ng Executive Board.
Ang pag-file ng kandidatura ay nagsimula noong Okt. 15 at magtatapos ngayong Okt. 30.
Comments