top of page
Search
BULGAR

3 fire stations sa Cebu, isinailalim sa lockdown dahil sa 12 bumberong nagpositibo sa COVID-19

ni Lolet Abania | July 4, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Labindalawang bumbero ang nagpositibo sa test sa coronavirus o covid-19 at isinailalim na rin ang tatlong Cebu City Fire sub-stations sa lockdown.


Ayon kay Senior Fire Officer 2 Wendell Villanueva, spokesperson ng Cebu Fire Department, ang Parian, Pahina at Mabolo Fire stations ang isinailalim sa lockdown, kung saan ginawa itong isolation center ng mga bumberong under monitoring at nagpositibo sa test sa covid-19.


Tatlo sa 12 bumbero ay nakarekober na sa sakit at maaari na ring magbalik sa trabaho sa susunod na linggo. Subalit, nananatiling nasa isolation sa Pahina Fire Station ang siyam na iba pa.


Gayundin, sinabi ni Villanueva na ang Mabolo at Parian Stations ay magsisilbing isolation centers para sa personnel na under monitoring.


Siniguro rin ni Villanueva na walang dapat na ikabahala ang publiko dahil handa ang Cebu City Fire Department na rumesponde sa emergencies na maaaring mangyari. Nagkaroon na rin ng decontamination team na magdi-disinfect sa mga firefighters sa tuwing matatapos ang kanilang operasyon sa mga nasusunugan. Binibigyan din ng bitamina at protective equipment ang bawat bumbero.


“We are giving assurance to the public that all our responders of Cebu City Fire stations are of course physically fit and were not in contact with those who were isolated,” sabi ni Villanueva.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page