ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 11, 2023
SPAIN — Tatlong manggagawa ang patay matapos gumuho ang isang minahan sa bayan ng Bages, Catalonia noong Huwebes.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-8 ng umaga sa minahan ng Cabanasses de Súria sa lalim ng 900 metro o 3,000 feet. Nag-iinspeksyon umano ang 3 biktima sa “interior area” nang gumuho ang minahan.
Nagsagawa ng rescue efforts ang mga awtoridad at emergency services, gayunman, nakumpirma na namatay ang mga manggagawa.
Ang minahan ay pinamamahalaan ng ICL Iberia, isang Spanish subsidiary ng Tel Aviv-based ICL Group, kung saan kinumpirmang Spanish nationals ang 3 biktima at nasa gulang na 28, 29, at 31, at mga bihasang geologist.
Naghayag ng pakikiramay si Pere Aragonès, Catalan Regional President, sa pamilya ng mga nasawi.
Samantala, naghayag naman ang regional government na iimbestigahan nila ang insidente.
Comments