ni Nitz Miralles @Bida | September 14, 2024
Hindi lang pala fever at ubo ang rason ng pagkaka-confine ni Carla Abellana sa ospital dahil sa kuwento nito kay Aubrey Carampel sa 24-Oras, marami siyang naging sakit. Kinailangan ngang manatili siya ng three (3) days sa ospital.
“May complication na UTI at kidney stone, muntik pa akong magka-sepsis. Kaya three days ako na-confine, but everything is okay now pati X-ray result. Ubo na lang talaga. Gusto ko na ring umuwi after three days, na-miss ko ang mga aso ko,” sabi ni Carla.
After three days, okay nang bumalik sa taping ng Widows’ War (WW) si Carla, kaya hindi masyadong na-miss ng mga viewers nito ang karakter niyang si George.
Kulang ang pakiramdam ng mga viewers kapag may nawawala sa mga karakter at hinahanap nila. Pati nga ang mga pinatay ng karakter sa series, hinahanap pa rin. LOL! (laugh out loud)
Samantala, pinasalamatan pala ni Carla si Bea Alonzo na nag-host ng Thanksgiving Party para sa cast ng WW na ginawa sa bahay nina Bea. Present ang cast at makikitang nag-enjoy ang lahat, may video pang nag-duet sina Carla at Bea at kumanta rin ang ibang cast.
Bago magtapos ang series, marami pang party na magaganap na ginagawa nilang alibi para makapag-bonding.
Well, pinag-usapan din ang comment ni Carla na “Louder” sa post ni Jelai Andres tungkol sa mga aspin.
Sey kasi nito, “They are never just ASPIN. Pinakaguwapong aso siyempre ‘yung anak ko, ‘yun si @popoythepogi. Mas pogi pa sa mga ex n’yo.”
BALIK sa pagiging Clash Masters o hosts ng The Clash (TC) ang magdyowang Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Magsisimula na sila sa pagho-host sa all-original singing competition. Si Louie Ignacio pa rin ang director nito.
Nagpasalamat si Rayver na dahil sa TC, naging host siya.
Sey ni Rayver, “Hindi ko makakalimutan na ipinadaan lang ako sa audition para sa magiging host at masaya akong mapili. Five years ko na ‘tong ginagawa and for me, iba ang experience to be hosting the show.”
Ayon naman kay Julie, close to her heart ang mga singing competitions dahil galing din siya rito.
Aniya, “Very nostalgic for me kapag pinapanood ko ang mga contestants. Thank you GMA for producing this show, opportunity ito sa mga may talent at magagamit na platform for them na ma-discover at sumikat.”
Patuloy ni Julie, “Sobrang grateful ako to be part of the show, I’m very happy and very excited sa pagsisimula ng sixth season. I’m also excited sa new twist at sa mga contestants. So, game na tayo!”
Samantala, alam ni Julie na may solid fans siya na hindi pabor kay Rayver as her boyfriend. Masakit ito para kay Rayver, gaya ng ginagamit lang nito ang girlfriend para sumikat at magtuluy-tuloy ang project.
Sinagot ito ni Julie nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Aniya, “Actually, wala talaga sa kanya ‘yun, Tito Boy, kasi palagi n’ya akong inire-reassure na 'Kahit anumang mangyari, kahit ano pang sabihin ng tao, kahit marami pang may ayaw sa ‘kin, kung anuman ‘yung sabihin nila about me, it doesn’t matter kasi you know I love you so much and hinding-hindi magbabago ‘yun, just because may mga ayaw sa ‘kin. Hindi ako mapapagod na suyuin ang JAmantes (pangalan ng fans ni Julie San Jose).'”
NAGKATOTOO ang sinabi ni Ai Ai delas Alas na maba-bash siya at aawayin ng mga kakampi ni Carlos Yulo at ng girlfriend nitong si Chloe San Jose dahil sa comment niya patungkol sa girlfriend nito. Tinawag na sawsawera at “enabler” si Ai Ai.
Napag-usapan ang magdyowa at ang ina ni Caloy na si Angelica Yulo at ibinalita ni Ai Ai sa mga kausap na press sa set ng The Clash (TC) na magkikita sila ng madir ni Caloy at tutulungan niya ito sa live selling.
Kahit hindi pa sila nagkikita, sinabi na ni Ai Ai na ilabas na ni Angelica ang mga t-shirt at pampaputing sabon na ibinebenta. Tatalakan daw niya ang mga hindi bibili at may buyer na nga ang orange soap, bibilhin daw ang mga ito ng kanyang mga fans at mga kaibigan bilang tulong kay Angelica at sa pamilya nito.
Kahit positive ang message na ipinaabot ni Ai Ai kay Chloe, na-bash pa rin siya.
Sey ni Ai Ai, “Gurl, ‘wag mong awayin ang nanay ni Caloy. Saka, girlfriend ka pa lang, ‘di ka pa asawa. Kapag asawa ka na, puwede na. Kung wala ang ina ni Caloy, wala ka ring darling ngayon.”
Dagdag pa ni Ai Ai, mas makabubuti kay Chloe kung magaan ang pakikitungo niya sa ina ni Caloy para maiwasan ang tension sa kanilang relasyon. Maganda rin daw pundasyon sa masaya at matatag na relasyon ang mabuting pakikitungo sa in-laws, lalo na sa nanay ni Caloy.
“Basta ako, team nanay,” pahayag ni Ai Ai.
Kung may mga bashers, marami rin ang sumang-ayon sa naging pahayag ni Ai Ai delas Alas at sana raw ay magliwanag ang isip nina Chloe San Jose at Carlos Yulo na tapusin na ang sigalot sa kanilang pamilya na hindi nakaka-milyonaryo ang datingan.
Opmerkingen