ni Zel Fernandez | April 30, 2022
Kinasuhan ng “vote buying” ang isang kandidato sa pagka-kongresista sa Bulacan, siyam na araw bago ang 2022 elections.
Tatlong concerned citizens ang nagsampa ng kasong paglabag sa Commission on Elections (Comelec) Election Code laban kay Congressional Candidate Jose Antonio Sy-Alvarado sa Office of the Provincial Prosecutor.
Ayon sa isa sa tatlong complainants na kinilalang si Alberto Domingo, saksi sila sa talamak umanong pamimili ng boto ng kandidato sa Brgy. Pungo, Calumpit, Bulacan noong Abril 12.
Paglalahad ng mga nagreklamo kay Alvarado, lumantad sila kasunod ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Bulacan Provincial government na dapat magkaroon ng malinis, tapat at matiwasay na halalan sa darating na Mayo 9.
Kaugnay nito, ang ihinaing reklamo ng mga testigo ay may kinalaman sa mas pinaigting pang “Multi- Sectoral Anti-Vote Buying Campaign” na inilunsad sa lalawigan upang bantayan ang anumang iregularidad sa kasagsagan ng eleksiyon.
Comments